Friday, October 19, 2012

Duty in Norzagaray

Norzagaray_duty_25
Nagkita-kita kami sa Balintawak. Halos nagkasabayan lang kaming bumaba sa bus nila Fatima at Marilee.. Kaya sabay-sabay na rin kaming tumawid papunta sa may Chowking. Nandun na si Liezl naghihintay tas hinantay nalang namin si John at Wena. Pumunta muna kami ni Lee sa Watson at may binili. Pagkatapos nun ay nag-antay na kami ng bus. Habang nasa biyahe ay ka'text namin si Diana Honey ko kung nasan na kami. Dahil sasabay rin siya samin. Pero sa kasamaang palad, nasira sinasakyang naming bus. At naghintay kami sandali habang inaayos ang bus. Habang bumibiyahe ay nasa likod na pala namin si Honey naka'motor sila ng Papa niya. Kaya pina'stop namin ang bus at sumakay si Diana. Sabay-sabay na kami. haha!.. 

Pagdating namin sa Norzagay ay naglakad pa kami ng medyo malayo papunta sa dorm namin. Kapagod! Dala dala pa namin bagahi namin.. haha.. Kami lang ang naka'dorm dun. Masaya naman. Kami nagluluto, naghuhugas at naglalaba. =)

1st day of duty namin sa Norzagara Municipal Hospital, ER. Wala namang masyadong pasyente. 

Maaga kaming pinauwi ni Ma'am nung wednesday kasi uuwi kami samin. Baka kasi gabihin kami masyado sa daan. Nakauwi naman kami ng maayos. Kasama ko si John, Shaina at Honey. Ako ang huking bumaba.. 

Grabe 7am orientation namin dito sa Jose Reyes. Akala namin hindi kami makakapag-orient kasi wala daw sinabi sa mga CI na may orientation ngayon. Dala-dala ko pa man din ang mga gamit ko. Mga 10am na natapos orientation. Tas deretso na kami sa Monumento. Kumuha muna ako ng pera sa ATM tas katapos pumunta kami ng 7 eleven. May hinintay lang. At sumakay na rin ng jeep papuntang Norzagaray. Grabe kapagod. Mga 2pm na kami nakarating. Pagkadating sa dorm ay agad nagpahinga. Tas deretso na duty. 

Ang daming patients ngayon. Grabe, kaya pagod na pagod din kami. Over! Pagkauwi sa dorm ay agad kumain, naligo at natulog. 

Second day ng gabi pagkatapos ng duty ay nag-d'bar sila. haha.. Tas nag-moment ako with honey diana.. ahaha.. =) =) 

Sa last day namin ay nag-quiz kami. Buti nalang madali lang. Computation. Tas katapos ng quiz ay pinauwi na kami.  

No comments: